MGA PAGDIRIWANG SA ANTIPOLO

Sumakah Festival -Ito ay ipinagdiriwang tuwing unang araw ng mayo, itinatanghal ang mga pangunahing produkto ng lungsod, SUman, MAngga, KAsoy at Hamaka(duyan).

Pista ng kagubatan  - ipinagdiriwang tuwing ika - 15 ng setyembre taon-taon. May mga Gawain ito katulad ng mga konsyerto at mga paligsahan na ang thema ay katulad ng pangangalaga sa mga puno at pangangalaga sa kapaligiran.

Sumulong day - ipinagdiriwang tuwing ika-27 ng disyembre ayon sa karangalan ni don juan sumulong isa sa mga tanyag na anak ng antipolo. Siya ay naging  senador  at kilala sa pagiging utak ng oposisyon.

Pista ng Lungsod - Ipinagdiriwang ito tuwing ika walo ng disyembre bawat taon sa karangalan ng patrona ng lungsod ang "blessed virgin immaculate conception".

Rizal day - ipinagdiriwang tuwing ika-30 ng disyembre. Sa pagala-ala sa kabayanihang ginawa ng ating pambansang bayani , si doctor jose rizal. Ito ay ginugunita sa kanyang monumento sa harap ng city hall.